May 13th Month Ka Na? Mga Kadalasang Itinatanong tungkol sa 13th month pay
1. Ano ang 13th month pay?
Ang 13th month pay ay isang uri ng cash compensation na nirerequire ng batas na ibigay ng employer sa mga empleyado. Ito ay base sa Presidential Decree No. 851, s. 1975 (Requiring All Employers to Pay their Employees a 13th Month Pay).
2. Kailan ibinibigay ang 13th month pay?
Ito ay ibinibigay sa mga empleyado bago sumapit ang bisperas ng Pasko, on or before December 24 ng taon. Maaaring ibigay ng employer ang kalahati ng 13th month pay sa kalagitnaan ng taon, habang ang kaakibat na kalahati ay maaring ibigay bago mag-Pasko, basta on or before December 24 ng taon. Maaari rin itong ibigay base sa magiging kasunduan kung sakaling may unyon, basta maibibigay ito on or before December 24 ng taon.
3. Sino-sino ang mga maaaring makatanggap ng 13th month pay?
- Rank and file employees (non-managerial)
- Mga empleyadong may fixed/guaranteed wage
- Mga empleyadong sumasahod via piece rate/per piece basis (hindi base sa oras ng nagawa kundi sa dami)
- Government employees na nagtratrabaho rin sa pribadong sektor
- Private school teachers
4. Sino ang mga hindi required mabigyan ng 13th month pay?
- Managerial-level employees
- Government employees na exclusive na nagtratrabaho lamang para sa gobyerno
- Mga empleyado ng government-owned corporations at subsidiaries
- Mga empleyado na commission-based, boundary-based, or per task basis tulad ng mga jeepney/tricycle drivers, freelancers, pati na rin ang mga kasambahay.
5. Lahat ba ng employer ay required magbigay nito?
Hindi lahat ng employer ay required magbigay ng 13th month pay. Tulad ng nakalagay sa sagot sa question #4, ang government; government-owned at government-controlled corporations; mga may empleyadong pang-personal na serbisyo; household employers; employers na kumikita based sa commission, boundary, or task-basis ay exempted sa batas ng pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
6. Ano ang distressed employers?
Sila ay mga employers na nagkaroon ng malalaking pagkalugi, pati na rin ang non-profit institutions o organizations na nagkaroon ng mahigit sa 40% normal income loss sa loob ng magkasunod na 2 taon. Ngunit sa ngayon ay wala nang exempted sa pagbibigay ng 13th month pay, kahit pa ang mga employers na lubhang apektado ng nangyaring pagsasara o pagkalugi dahil sa pandemya.
7. Magkano ang dapat kong matanggap na 13th month pay? Ano ang pro-rated?
Ang kaukulang halaga na dapat matanggap ng mga empleyado para sa kanilang 13th month pay ay base sa kanilang basic pay o ang kanilang regular na kita. Pag sinabi namang pro-rated, ang pag-compute ng total na matatanggap ay base sa total na kinita ng empleyado sa mga buwan na nagtrabaho sya sa loob ng taon.
Halimbawa
EXAMPLE A (Perfect attendance, nagtrabaho ng isang buong taon)
Sahod per month = P20,000
Buwan na pumasok ang empleyado = 12 months
\begin{align*}\text{Total 13th month} &= \dfrac{\text{Sahod per month} \times \text{Buwan na pumasok}}{\text{12 months}}\\
&= \dfrac{\text{P20,000} \times \text{12 months}}{\text{12 months}} \\
&= \text{P20,000}
\end{align*}
Ang magiging 13th month pay para sa Example A ay P20,000
EXAMPLE B: PRO-RATED (Perfect attendance, hindi nagtrabaho ng buong taon)
Sahod per month = P20,000
Buwan na pumasok ang empleyado = 6 months
\begin{align*}\text{Total 13th month} &= \dfrac{\text{Sahod per month} \times \text{Buwan na pumasok}}{\text{12 months}}\\
&= \dfrac{\text{P20,000} \times \text{6 months}}{\text{12 months}} \\
&= \text{P10,000}
\end{align*}
Ang magiging 13th month pay para sa Example B ay P10,000
EXAMPLE C (may unpaid leaves, absences, deductions, nagtrabaho ng isang taon)
Sahod per month = P20,000
Buwan na pumasok ang empleyado = 12 months
Unpaid leaves, absences, deductions = P4,500
\begin{align*}
\text{Net amount} &= (\text{Sahod per month} \times \text{Buwan na pumasok})\\
&- \text{Unpaid leaves}\\
&- \text{Absences}\\
&- \text{Deductions}
\end{align*}
\begin{align*}
\text{Total 13th month} &= \dfrac{\text{Net amount}}{\text{12 months}} \\
&= \dfrac{\text{(P20,000 x 12 months)}- \text{P4,500}}{\text{12 months}} \\
&= \text{P19,625}
\end{align*}
Ang magiging 13th month pay para sa example C ay P19,625
EXAMPLE D: PRO-RATED (may unpaid leaves, absences, deductions, hindi nagtrabaho ng buong taon)
Sahod per month = P20,000
Buwan na pumasok ang empleyado = 4 months

&= \dfrac{\text{(P20,000 x 4 months)}- \text{P4,500}}{\text{12 months}} \\
&= \text{P6,291.67}
\end{align*}
Ang magiging 13th month pay para sa example D ay P6,291.67

8. Ako ay nagtratrabaho bilang contractual/agency-based. Makatatanggap ba ako ng 13th month pay?
Oo, basta kasama sa listahan ng nabanggit sa sagot sa question #3.
9. Hindi pa ako regular na empleyado, pero makatatanggap ba ako ng 13th month pay?
Tulad ng sagot sa question #8, oo.
10. Kasisimula ko pa lang sa trabaho ko. Qualified ba ako?
Kung ikaw ay nakapagtala na ng 1 month o higit pa na pagtratrabaho sa ilalim ng employer ay qualified ka nang makatanggap ng pro-rated na 13th month pay. Maaari itong macompute gamit ang equations sa Question #7.
11. Nagresign na ako sa trabaho ko bago magkabigayan ng 13th month pay. Makukuha ko pa ba iyon? Meron din ba akong makukuha sa bago kong employer kahit bago pa lang ako?
Required pa rin na magbigay ang ex-employer ng 13th month pay na naaayon sa naitalang buwan ng pagtratrabaho. Kadalasan ay isinasabay ito sa Final Pay. Para naman sa mga bagong empleyado, tulad ng sagot sa #10 ay makatatanggap ka ng pro-rated na 13th month pay basta naka 1 month o higit pa sa trabaho. Ang halagang dapat matanggap ay maaaring macompute gamit ang mga equation sa sagot sa Question #7.
12. Hindi ibinigay/ayaw ibigay ng employer/previous employer ang 13th month pay ko. Ano ang maaaring kong gawin?
Maaaring magfile ng complaint ang mga empleyado sa pinakamalapit na Regional Arbitration Branch ng DOLE na sumasakop sa lugar ng pinagtratrabahuhan bunga ng paglabag sa Presidential Decree No. 851. Haharap sa penalties at magbabayad ng damages sa mga apektadong empleyado ang mga employer na guilty sa paglabag sa nasabing batas.
13. Ang trabaho ko ay piece rate/pakyawan. Magkano ang dapat kong matanggap?
Tulad ng nakasaad sa Question #7, ito ay dedepende sa kinita ng empleyado. Maaaring gamitin ang mga equation na nakalista doon. Ang piece rate/pakyawan ay hindi dumedepende sa oras ng trinabaho kundi sa dami ng mga nagawa o natapos ng empleyado sa araw.
14. Kasama ba sa pagcompute ng magiging 13th month pay ang mga overtime ko?
Hindi. Bukod sa overtime, hindi rin kasama ang sick leave, maternity leave, allowances, monetary incentives/benefits, at holiday pay sa pagcompute ng 13th month pay.
Ang isinasama lamang ay ang Basic Pay at iba pang regular earnings ng empleyado.
15. Dati akong rank and file pero napromote ako sa managerial na position. May makukuha pa rin ba akong 13th month pay?
Ayon sa batas, required itong ipagkaloob sa mga Rank and File employees, ngunit nasa employer na kung magbibigay rin sila sa kanilang managerial employees. Hindi required ang employer na magbigay ng 13th month pay sa managerial.
16. Ang 13th month pay at Christmas Bonus ba ay iisa/parehas lang?
Hindi. Ang 13th month pay ay nasa batas o government-mandated, habang ang Christmas Bonus o anumang company benefits o incentives ay ang employer ang kusang nagbibigay.
16. Ang gobyerno ba ang nagbibigay ng 13th month pay?
Hindi. Nasa batas lamang ang 13th month pay ngunit ang papasan ng pagbibigay nito ay ang employer.
References
Presidential Decree No. 851, s. 1975. ‘REQUIRING ALL EMPLOYERS TO PAY THEIR EMPLOYEES A 13th-MONTH PAY.
Presidential Decree No. 851, s. 1975. ‘REQUIRING ALL EMPLOYERS TO PAY THEIR EMPLOYEES A 13th-MONTH PAY.
Department of Labor and Employment. ‘UNDERSTANDING 13TH MONTH PAY AND CHRISTMAS BONUS’.
Triple I Consulting. ‘How to Compute 13th Month Pay in the Philippines 2022’.
Omnipresent. ‘13th Month Pay in the Philippines: A Quick Guide for Employers’.
OneNetwork. ‘IT’S FINAL: 13th Month Pay Must Be Given Even By Distressed Companies Or Those That Shut Down’.
Paano maging member ng SSS ang mga kasambahay?
Q: Ako po si Steph, 33, may dalawang anak. Namasukan po ako bilang kasambahay noong medyo lumuwag na ang lockdown itong January 2022. Gusto ko pang magka-SSS, paano po ang aking gagawin?
A: Dahil sa Batas Kasambahay, karapatan mo ang maging miyembro ng SSS at magkaroon ng mga benepisyo ng isang miyembro (Tingnan ang BOX 3 para sa mga benepisyo).
Ang pag-apply para sa SSS ng mga kasambahay ay kasabay na rin ng PhilHealth (Philippine Health Insurance Corporation), at sa Pag-IBIG (Home Development Mutual Fund), sa ilalim ng isang unified system of registration and enrollment, o tinatawag na KURS (Kasambahay Unified Registration System).
Sa ilalim ng KURS ay isang form na lang ang kailangang punan para sa SSS, Philhealth, at Pag-IBIG.
BOX 1: KASAYSAYAN
Noong January 18, 2013 ay isinabatas ang Batas Kasambahay (RA No. 10361: An Act Instituting Policies for the Protection and Welfare of Domestic Workers), upang lalong pagtibayin ang layunin ng SSS na magkaroon ng protection at coverage ang mga Kasambahay, o Domestic Workers, tulad ng mga regular na empleyado. Sinumang kasambahay na tumatanggap ng sahod na di bababa sa P1,000.00 kada buwan at may edad na 60 anyos pababa ay saklaw nito.

May mga hakbang sa pag-apply.
STEP 1: Kumuha ng sumusunod na forms sa anumang SSS branch o service office o i-download sa mga website www.sss.gov.ph , www.philhealth.gov.ph , at www.pagibig.gov.ph .
- Kasambahay Unified Registration Form (PPS-KUR Form). Maaari rin i-click ang link na ito para sa PPS-KUR form.
Ganito ang hitsura ng form:
- Household Employer Unified Registration Form (PPS-HEUR1 Form)
- Household Employment Unified Report Form (PPS-HEUR2 Form)
STEP 2: Punan ang mga form.
- Ang PPS-KUR Form ay kailangang punan ng kasambahay
- Ang PPS-HEUR1 at PPS-HEUR2 forms naman ay para sa amo o employer.
BOX 2: SINO ANG KASAMBAHAY?
Ang mga Kasambahay o Domestic Workers ay ang mga indibidwal na gumagawa ng mga trabahong pantahanan at pinasasahod para sa pag-render ng mga ganitong services. Kasama sa mga naturang gawain ay ang paglalaba, pagluluto, paglilinis, pagiging yaya, pati na rin ang iba pang maaaring iutos ng household employer. Ang Household Employer naman ang sinumang kumukuha ng serbisyo ng mga Domestic Workers.

STEP 3: Ihanda ang iba pang dokumento para makapagrehistro.
Maliban sa PPS-KUR Form para sa kasambahay, kakailanganin rin ng supporting documents. Maaaring magsubmit ng isang (1) primary document, o dalawang (2) secondary document kalakip ng PPS-KUR Form.
Ang mga primary documents ay ang sumusunod:
- Birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA, dating National Statistics Office)
- Baptismal certificate mula sa simbahan
- Driver’s license
- Passport
- Professional Regulation Commission (PRC) card
- Seaman’s book
Kung walang primary documents ay maaaring magsubmit ng dalawa (2) sa mga sumusunod na secondary documents:
- Birth or baptismal certificate of domestic workers’s child
- ATM card bearing the cardholder’s name
- ATM card and certification from the bank stating that the account number belongs to the cardholder, if name does not appear on the card
- Bank account passbook
- ID card from the local government units (ex. barangay, municipality, city)
- Marriage contract
- National Bureau of Investigation clearance
- Police clearance
- Postal ID
- School ID
- Senior citizen card
- Tax Identification Number (TIN) card
- Voter’s ID/Affidavit
- Company ID
- Sertipikasyon mula sa National Commission on Indigenous Peoples o mula sa Office of Muslim Affairs 16. Fisherman’s card mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
- Health o medical card
- Temporary license o student permit mula sa Land Transportation Office
- Transcript of school records
PAALALA
Kailangan ang original o certified true copy ng mga documents para sa verification. Kung hindi naman makakapagsubmit ng supporting documents ay mabibigyan pa rin ng SSS number ang miyembro dahil gagamitin ito para sa remittance ng contribution at household employer’s report. Makakapag-claim lamang ang mga miyembro ng benefits at privileges kung sila ay qualified at may kumpletong documents.

STEP 4: Mabibigyan ang kasambahay ng SSS number, at SSS Household employer number naman para sa employer.
Kailangan ng employer na magsubmit rin ng two (2) copies ng Employment Report (SS Form R-1A) at Specimen Signature Card (SS Form L-501) na maaaring i-download sa www.sss.gov.ph.
STEP 5: Pumunta ka at ang iyong employer (o ang representative niya) sa anumang branch o service office ng SSS para makapagregister, dala ang accomplished PPS-KUR form (para sa kasambahay), supporting documents, at PPS-HEUR1 form (para sa household employer).
Kung sakaling walang kumpletong dokumento ay hindi mabibigyan ng UMID (Unified Multi-purpose Identification) card ang miyembro, at sya ay mabibigyan lamang ng “Temporary membership status”.
Kung representative lang ng amo mo ang makakasama sa pag-process, kailangan ng Letter of Authorization na may pirma ng household employer at valid ID ng representative ng amo mo.
STEP 6: Magbayad ng kontribusyon.
Magkano ang contribution na babayaran ng kasambahay at ng household employer?
Kung ang kasambahay ay sumasahod ng mas mababa pa sa P5,000 kada buwan, ang household employer ang magbabayad ng kabuuan ng contribution.
Kung P5,000 pataas kada buwan naman ay may share ang kasambahay sa pagbabayad, at ito ay ikakaltas na ng household employer sa sahod, at saka isasama sa ibabayad kasama ang employer’s share.
Ang employer ay kailangan rin magbayad ng Employees’ Compensation contribution (P10 kada buwan kung ang sahod ng kasambahay ay mababa sa P14,750, at P30 naman kung P14,750 pataas.)
BOX 3: MGA BENEPISYO
Ito ang mga SSS benefits na maaaring makuha ng mga kasambahay:
- Sickness Benefit
- Maternity Benefit
- Disability Benefit
- Retirement Benefit
- Death Benefit
- Funeral Benefit
- Benefits under the Employee’s Compensation (EC) Program
- Unemployment Benefit
PAALALA
Maaari lamang makuha ng mga miyembro ang benefits kung qualified at may kumpletong documents sa pagproseso. Ang pagkakaroon ng SSS Number ay hindi garantiya para sa pagkakaroon ng benefits.

Ilang percent ang dapat na ihulog bilang contribution?
Ang bagong SSS contribution rate ay 13% ng sahod, kung saan ang 4.5% ay mula sa kasambahay, at 8.5% naman mula sa household employer. Ang monthly salary credits na pagbabasihan ng 13% ay naglalaro ngayon mula P3,000-P25,000.
Table 1. Contribution rate sa SSS
Source: SSS.
Tuwing kailan ang paghuhulog ng contribution?
Ito ay ibabase sa Household Employer ID number ayon sa schedule na ito:
Table 2. Schedule ng pagbabayad ng contribution
Source: SSS.
Mga dagdag paalala sa pagbayad
Kung sakaling ang payment deadline ay matapat ng Saturday, Sunday, or national holiday, maaring magbayad sa susunod na working day. Ang late payments ay may karampatang penalties kaya mainam na magbayad sa takdang panahon.
Ang contribution ay maaaring bayaran sa mga SSS Tellering Counters, Bank Collection Partners, and Nonbank Collection Partners.
Real-time processing na ang mga contribution kaya ito ay magrereflect agad upon payment na maaaring makita sa pamamagitan ng Electronic Contribution Collection List (e-CCL) via SSS online.
Nakadetalye ang steps para sa e-CCL sa link na ito: https://www.sssguides.com/employers-guide-creating-electronic-contribution-collection-list-e-ccl-sss/
Para sa karagdagang paglilinaw ay maaaring bumisita sa website na ito: www.sss.gov.ph.
Sources
SSS Gabay sa pagsaklaw sa mga kasambahay (bilingual).
https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent?fileName=2018_GABAY_SA_KASAMABAHAY_FINAL-June28.pdf
How to register for the kasambahay unified registration system.
https://www.sssguides.com/register-kasambahay-unified-registration-system/
SSS Contribution Schedule 2022.
https://sssinquiries.com/contributions/sss-contribution-schedule-2022/
Kasambahay Unified Reg Form.
https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent?fileName=SSSForm_Unified_Registration_Form_Kasambahay.pdf
Employer’s guide: creating an electronic contribution collection list (e-CCL).
https://www.sssguides.com/employers-guide-creating-electronic-contribution-collection-list-e-ccl-sss/
New contribution schedule.
https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent?fileName=2021-CONTRIBUTION-SCHEDULE.pdf