Kaysa maglaan ng bilyones sa programang makakagawa ng nakabubuhay na trabaho, pinasok ito sa ghost projects, ayuda programs, at pagsusugal. Tumaas ng kalahating milyon ang bilang ng Pilipinong unemployed. Habang hirap na hirap ang mga Pilipino suportahan ang pamilya at sarili, mas malulunod pa tayo sa korupsyon ng iba’t ibang opisyales ng ating gobyerno.

Alam natin na hindi ito bago sa atin. Lagi na lang isyu ang unemployment, at takot na takot ang mga manggagawa na mawalan ng trabaho. Taon-taon kinakabahan tayo kung magkakaroon tayo ng sapat na pera para kumain, o kung may trabaho pa tayo. Mas lalong kawawa pa ang kabataang nagnanais ng trabahong nakabubuhay na pagkatapos ng ilang taon ng pag-aaral ay hindi rin nakakakamit ito. 

Simple lang ang hinihingi ng mamamayang Pilipino: Disenteng trabaho na may kasiguraduhan.. Matapos ng 3 taon ay hindi pa ito nangyayari o inaaksyunan ng gobyerno.

Matagal nang nakalipas ang oras para idemanda ang nararapat sa atin: Mga programang sasalba sa atin mula sa kahirapan, mula sa kawalan ng seguridad. Isa lang ang “end endo” sa nakararaming mga pangako ng gobyerno na hindi tinutupad. Gawing regular ang mga trabaho! Wakasin na ang kontraktwalisasyon!