Ang buhay ng mga manggagawa ay buhay na isang kahid, isang tuka. Klaro sa kanya na dapat ipatupad ang Php 85 Minimum Wage Hike, kahit na hindi pa rin ito sapat sa lahat ng kanyang pangangailangan.
Ngunit, kahit ang simpleng katotohanang ay nahaharap sa maraming batikos: mabigat daw para sa mga negosyante ang dagdag sahod. Paano naman daw ang mga maliliit na negosyo?
Mukhang kailangan magkalinawan ulit: Totoo ba na mas makakahamak kaysa makakatulong ang Minimum Wage Increase na Php 85 sa NCR?

CLAIM #1: Mas matatamaan ang maliliit na negosyo, hindi ang malalaking korporasyon dahil 99.6% ng mga negosyo ay MSMEs kung saan binubuo ng mga ito ang 67% ng mga trabaho.
PERO: Owner- o family-operated ang mayoridad ng micro-enterprises. Halimbawa ang mga tindahan, karinderya, manininda, atbp. Sila ay napapaloob bilang mga BMBEs na maaaring maging Qualified BMBE na exempted sa Minimum Wage Law.
VERDICT: FALSE.
CLAIM #2: Mas mataas pa sa inflation rate ang Php85 dagdag sahod dahil 12.2% wage hike ang Php85, samantalang nasa 6.2% lang ang inflation rate noong July 2026.
PERO: Hindi kinuwenta nito ang inflation rate simula sa huling pagtaas ng Minimum Wage. July 2025, Php695 ang Minimum Wage sa NCR. Kaltasin ang inflation sa mga nakaraang buwan na walang dagdag sahod at Php466 na ang katumbas nito ngayon.
VERDICT: FALSE.
CLAIM #3: Papatayin ng Php85 Wage Hike ang dami ng trabaho, lalo na para sa young& “unskilled” workers dahil sa datos na nagsasabing bumababa ng 7%-11% ang employment ng young & “unskilled” workers tuwing may minimum wage increase.
PERO: Hindi automatic na katumbas ng Minimum Wage increases ang malawakang pagpatay sa trabaho, at napakita na ito ng international research. At, kung ang mababang sahod job-generating, bakit laganap ang unemployment, underemployment, at mababang kalidad ng trabaho?
VERDICT: FALSE.
CLAIM #4: Tataas ang inflation rate kapag nagkaroon ng minimum wage increase dahil tataas ang business costs at mapupuwersahan mga negosyo na magtaas ng presyo, lalo na kung mas mabilis ang pagtaas ng sahod kaysa sa productivity rate ng manggagawa.
PERO: Base sa datos ng 2012-2022, tumaas na ng 28.9% ang Labor Productivity Rate, habang ang tinaas ng minimum wage sa NCR ay 20.7%. Samantalang, sa panahon na iyon, tinaas ng inflation rate ang consumer price index ng 35.3%. Tumaas ang productivity at inflation, pero naiwan ang sahod ng manggagawa.
VERDICT: FALSE.
CLAIM #5: Ang Php85 Minimum Wage Hike ay mas mataas kaysa sa historical norm dahil ang mga nakaraan na malakihang Wage Hike ay Php15 hanggang Php53 lamang. Dagdag pa, ay dinahilan ito ng pagtaas ng poverty incidence.
PERO: Ang dagdag sahod mula Php695 papuntang Php780 ay katumbas ng 12.23% lamang. Mas malaki ang rate nito sa kasaysayan: 12.88% noong 1999, hanggang 39.06% noong 1989. Magkalapit lang din ang rate sa dapat naging dagdag sahod ngayon sa 2000 na 11.86%.
Nakakabahala ring ang pag-ugnay ng poverty incidence sa minimum wage increase, na para bang ito lamang ang nagtutulak sa manggagawa patungo sa kahirapan.
VERDICT: FALSE.
FINAL VERDICT:
Hindi totoo na walang epekto sa ekonomiya ang dagdag sahod. Kaya mainam na gamitin ang kaalaman sa ekonomiya para siguraduhin na may disenteng buhay ang mga manggagawa.
Pero hindi solusyon ang pananakot at pagpapanatiliing mahirap ang mga manggagawa para mabuhay ang mga negosyo.
LEARN Staff
For questions, you may reach out to our staff via the following channels:
Email: learnpilipinas@gmail.com
Mobile phone: +63 949 660 2002
